top of page

Tiwala at pagpupursigi sa buhay, payo ng estudyanteng CSSH


“Kumpleto man atung panglawas, ug naa may tay hamtong nga paghuna-huna, ato kining gamiton aron kita makapadayon ug makalampos.”


Dito humuhugot ng lakas si Benjamin Villamor mula College of Social Science and Humanities sa kursong Bachelor of Arts in Sociology upang pagtiyagaan ang pagkayod para sa ipambabayad na pera sa enrolment at magiging allowance na rin niya sa buong taong panuruang 2023-2024.


Balik pasukan na naman ngayong darating Agosto 14 sa Mindanao State University - General Santos City kaya nagsagawa ng isang linggong enrolment ang pamantasan noong Agosto 7-11 upang lahat ng estudyante ay isa-isang maipako ang pangalan sa bawat kurso nilang napili.


Ngunit, hindi maikakaila na hindi lahat ng estudyante ay may pantay-pantay na estado ng pamumuhay dahil ang iba sa mga MSUan ay butas ang bulsa kung kaya sa pamantasang ito sila ay nakikipagsapalaran sapagkat walang babayaran na matrikula.


Isa si Benjamin sa mga MSUan ang naghihirap bayaran ang mga nakalaang "fee" ng kanyang departamento at mga organisasyon.


Ayon sa naging interbyu ng Bagwis, bata pa lamang ay mulat na siya sa reyalidad ng buhay dahil maaga siyang naulila mula sa mga magulang.


“Lisod gyud kaayo ang kinabuhi sukad tung nawala si mama kay tungod sya nalang ang ginikanan nga naa mi. Sa pagkawala niya mingsabay pud nga naglaylo akong magulang, ug isip ikaduha sa managsuon, ako maoy mingtindog nga kamagulangan sa akong mga manghud,” giit pa ni Benjamin.

Pangalawa siya sa anim na magkakapatid kaya malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanyang buhay upang makatulong sa pagtustos ng pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang mga kapatid.


“Mas mingsamot pa ang kalisod tung miabot mga tuig sa kahadlok tungod sa pandemya, lisod ang panginabuhian, maglisod kog pangwarta kay wa pako sa hamtung nga edad ug di pako madawat sa mga company. Nanginabuhi ko isip tindero sa palengke sa una ug nag negosyo kog binignit ug lumpya aron masurvive among pang- adlaw-adlaw sa akong mga igsoon,” salaysay pa niya sa naging sitwasyon ng kanyang buhay sa gitna ng pandemya.

Umabot sa punto na huminto muna siya sa pag-aaral ng isang taon upang ilaan ang buong oras sa pagtatrabaho.

“After a year, enrollment nasad ug nakadecide ko nga magpaenroll sa grade 11 aron ipadayun ang naputol nako nga pagskwela ug nangandoy makasulod sa MSU aron sa libre nga pagskwela, nasurvive nako ang G-11 ug G-12 sa pagsideline,” pahayag pa niya.


Kasalukuyan, si Benjamin ay nasa ikalawang taon na ng kanyang kurso at sa enrolment pa lang malaki na ang balakid na kanyang kinakaharap dahil sa mga bayarin.

Hindi siya nawalan ng pag-asa kahit kakarampot lamang ang nadala niyang salaping napag-iponan mula sa mga pinasukang trabaho.


“Nakapa-enroll ko karun sa 2nd year college tungod sa ing-ana nga pamaagi ug bisan paman gikuwang akong pambayad, akong gipromisory note nalang ang uban nga bayronon,” sambit pa ni Benjamin.

Sa ngayon, sinisikap niyang makapag-ipon ulit upang mabayaran ang mga natitirang “fee” sa pamamagitan pa rin ng paghahanap ng mga trabaho sa mga bakanteng araw.


Tila pasan niya ang daigdig dahil sa mga responsibilidad na nakaatang sa buhay ngunit ang mga karanasan ding ito ang humuhubog sa kanya upang maging matapang at matatag sa lahat ng hamon.


“Ayaw gayod kamo kawad-an sa pagsalig sa Ginoo ug sa inyong sarili, dili rason ang atong kapobrehon para di nato ipadayon atong mga pangandoy. Daghan pamaagi aron kita mag-survive aning kalisod basta kay magkugi lang gyud ta permi. Dili nato sala kung gipanganak tang pobre, pero sala na nato ug ilubong ta nga pobre,” bilin pa ni Benjamin.

100 views0 comments

Comentários


bottom of page