top of page
Writer's pictureBagwis Msu

Salin-labing Pamana

ni Moeum nomen


Mahigit walong dekada na ang lumipas mula ng maisabatas ang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas. Gayunpaman, marami pa rin sa mga Pilipino ang tila hindi alam ang tunay na kahalagahan ng karunungan sa nakaraan nito.


Kaya naman, ngayong buwan ng Agosto, marapat lamang na maghinuha sa kasaysayan ng wikang pambansa at kung sino si Manuel na siyang nagsilbing ama nito.





Ang haligi sa likod ng matatag na pagkakakilanlan


Si Manuel Luis Quezon y Molina, ang siyang unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Kilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”, inilakad niya ang kasarinlan ng Pilipinas hindi lamang sa sektor ng administriya ngunit pati na rin sa pagkakakilanlan. 


Bago pa man ang kanyang administrasyon, ang Pilipinas ay isang bansa na nahahati-hati hindi lamang sa heograpiya kundi pati na rin sa wika. Iba't ibang mga diyalekto ang ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa, at ang karamihan sa mga opisyal na usapin ay isinasagawa sa wikang Ingles at Espanyol. 


Higit pa sa Wika 


Nakita ni Quezon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang magpapakilala at magbubuklod sa bawat Pilipino. Kaya naman, sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nilagdaan noong Disyembre 30, 1937, ipinahayag niya ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ito ay sa kadahilanang ito ay malawakang ginagamit at naiintindihan sa iba't ibang rehiyon.


Subalit, ang ginawa ni Quezon ay hindi lamang limitado sa linggwaheng gamit. Ngunit isang hakbang upang mapag-isa ang mga Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang pinagmulan at diyalekto.


Pagpapanatili ng diwang Pilipino


Ngayong ipinagdiriwang natin ang National Manuel L. Quezon Day, mahalagang payabungin natin ang kanyang habilin na pamana. Ang pamanang wika na patuloy na nagiging daluyan ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang isang bansa. 


Kaya naman, isang paghinuha ang siyang dapat manatili— na ang wika ay hindi lamang isang kasangkapan sa komunikasyon, kundi isa ring simbolo ng ating kalayaan at pagkakaisa.


Ngayong Agosto, habang inaalala natin si Manuel L. Quezon, balikan natin ang kanyang mga pamana at sikaping palaganapin at pagyamanin ang wikang Filipino sa bawat pagkakataon. Sa ganitong paraan, tunay nating maisasabuhay ang kanyang hangarin na magkaroon ng isang matibay at nagkakaisang bansa.


52 views0 comments

Comments


bottom of page