top of page
Writer's pictureMark Pecolados Negro

Pelikulang ‘When the Crickets Stop Singing’ wagi sa Project VacSINEation, umani ng 8 parangal

Updated: Apr 2, 2023


NGITING TAGUMPAY. Idineklarang kampeon ang When the Crickets Stop Singing ng College of Natural Sciences and Mathematics sa katatapos lamang na Project VacSINEation.


Itinanghal na Best Film ang pelikulang When the Crickets Stop Singing mula College of Natural Sciences and Mathematics (CNSM) sa ginanap na awarding ceremony ng Project VacSINEation, Marso 31.


Bukod sa Best in Editing, naangkin din ng nasabing kolehiyo ang Best Production Design, Best in Cinematography, Vaccination Award, Best in Musical Score at Best Film Director. Pinarangalan naman na “Best Supporting Actor” si Arviel Delos Santos at “Best Actor” naman si Jan Marc Esver na parehong nagmula sa CNSM.


Sa mensahe ng filmmaker at award-winning Director ng nasabing pelikula na si Vince Ivan Vesiete, inspirasyon ng kanilang entry ang pukawin ang atensiyon ng publiko at ipakita ang possibleng maging kahihinatnan ng hindi pagpapabakuna lalong-lalo ngayong hindi pa tuluyang napupuksa ang nakamamatay na sakit.


Suporta ng dalawang senador


Nagpaabot naman ng suporta ang dalawang senador na sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Bong Go sa pamamagitan ng pagpapaabot ng kanilang mensaheng pagbati at pasasalamat sa tagumpay ng Project VacSINEation na inisiyatibo ng SSC ng nasabing pamantasan.


Sa talumpati ni Escudero, sinabi niya na nararapat panatilihing malusog ang pangangatawan upang magampanan ang tungkulin sa sarili, pamilya at sa bayan at makiisa at makialam sa usaping pangkalusugan.


Binati naman ni Go ang faculty ng MSU-Gensan sa ipinamalas na dedikasyon at sipag sa pagtuturo na siyang isa sa mga dahilan kung bakit kompyansa siya na may mararating ang mga kabataang Iskolar ng Bayan.


Samantala, naiuwi ng College of Engineering sa kanilang ‘Eroplanong Papel’ ang ika-7 na puwesto at Best in Trailer award, na sinundan ng SHS, BA&A, COA, CSSH, CoEd, at ang When the Crickets Stop Singing ng CNSM. Ang Project Vacsineation ay proyekto ng Supreme Student Council (SSC) ng MSU-Gensan kung saan dinaluhan 7 mahuhusay na mga kolehiyo at Senior High School na naglalayong maging kampanya hinggil pagpapabakuna sa pamamagitan ng isang pelikula.

Tala ng mga nanalo:


Social Media Popularity Award: Tamgule (CBAA)

Vaccination Award: When the Crickets stop Singing (CNSM)

Best Poster: Sa Bingit ng Hirati (CSSH)

Best Trailer: Eroplanong Papel (COE)

Best Editing: When the Crickets Stop Singing (CNSM)

Best Production Design: When the Crickets Stop Singing (CNSM)

Best Cinematography: When the Crickets Stop Singing (CNSM)

Best Musical Score: When the Crickets Stop Singing (CNSM)

Best Screenplay: Sa Bingit ng Hirati (CSSH)

Best Director: Vince Ivan Vesiete (When the Crickets Stop Singing CNSM)

Best Actor: Jan Mark Esver (When the Crickets Stop Singing CNSM)

Best Actress: Antonetter Claire Alcantara (Sa Bingit ng Hirati)

Best Supporting Actor: Arviel delos Santos (When the Crickets Stop Singing CNSM)

Best Supporting Actress: Dyulliana Anushkah Toyogon (Sa Bingit ng Hirati)


Best Project VacSINEation film: When the Crickets Stop Singing (CNSM)

2nd: Pagmata (COEd)

3rd: Sa Bingit ng Hirati (CSSH)

4th: ABI (COA)

5th: Tamgule (CBBA)

6th: Alintanang Lagitik (SHS)

7th: Eroplanong Papel (COE)




137 views0 comments

Comments


bottom of page