top of page
Writer's pictureMark Pecolados Negro

Pagiging 'human' at kwentong isko, diniin ng Batch Lahimsug Valedictorian

Updated: Jul 22, 2023


photo by Katrina Elises


"Human, but an MSUan—and that separates us from the others. "


Balik-tanaw na inilahad ni Jethro Batislaong, Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering at Batch Valedictorian, ang kanyang naging karanasan bilang isang MSUan na mas nagpaunawa sa katuturan ng isang iskolar ng bayan - at isang 'human'.


"It’s okay to feel fear, disappointments, and sometimes lose the spark and idealism, because it’s in this moment of our lives that we learn what it means to be human," salaysay niya.


"It’s in this moment of our lives when we realize that the more we get frustrated about the system, the more we should fight against inequality," giniit niya na ang pagiging isang 'human' ang nagiging motibasyon para hamunin ang sistema ng buhay at pagkakapantay-pantay.


Sa kaniyang talumpati, isiniwalat niya ang tunay na eksena sa loob ng pamantasan na kung saan araw-araw na binabaybay ng bawat MSUan na hindi gaanong napapansin sa lente ng karamihan.


BUHAY ISKO

“Si Isko, kung abrihan ang tiyan, puros pastil ang unod. Si Isko, atik-atik ug baktas as exercise, wala na diay toy pamasahe. Si Isko, mag-reunion sa ukay-ukayan because we live in this mantra: everyday is fashion day,” pahayag ni Jethro.


Ilan lamang iyan sa mga kuwento na magpapatunay na ang mga iskolar ng bayan ay katulad din ng mga normal na naninirahan sa lipunan — praktikal, hindi perpekto at kung minsan, pabaya.


Binigyang-diin din niya maging ang karanasan ng ordinaryong MSUan na aniya, darating ka sa puntong mapapaisip at mapapatanong ka kung tama kaya ang kursong pinili at kabuoang landas na tinatahak mo.


"At some point in our college lives, we received quizzes and exam scores that questioned our self-worth. There were times that we got feedback from our professors in which we asked ourselves if tama ba jud ang kurso na gikuha naton. There were times that we reached rock bottom while everybody else seems to excel effortlessly," paliwanag pa niya.


PAGSUBOK AT PASASALAMAT

Inilahad din ni Batislaong ang mga panahong sinubok ang kaniyang katatagan at napahamon ang sarili na nagbigay aral sa kaniya na hindi lahat ng bagay ay kakayanin.


“There were times when we realized that we are not the strongest as we were, and that we needed help from others because our mental health issues were too much to bear. Yet, through all these trials, we demonstrated two remarkable traits: persistence and the willingness to grow.


Ibinalin din niya ang kanyang mensahe sa pagpapasalamat sa mga taong sumuporta upang matamo ang kanyang pagtatapos.


"Being here is a reflection of not only our individual efforts but also of the collective love, support, and encouragement we have received from those who believed in us, who only wanted the best for us, who reprimanded us for any wrongdoings we committed, and who have loved us unconditionally," giit pa niya.


Pinasalamatan niya muli ang MSU-Gensan dahil ang pamantasang ito ay para sa lahat na kahit iba't iba man ang pinanggalingan, lahat ay itinuturing na pantay kaya mas nagaganahan ang mga estudyante na mag-aral at makapagtapos.


"With their stories, have undergone significant personal growth and development during time in our university, transitioning from a limited view of life centered solely on my own narratives and influenced by outdated beliefs to a more mature and inclusive point of view," pahayag pa ni Jethro.


Hindi rin niya kinalimutang pinasalamatan ang kanyang mga magulang, propesor, kaibigan, mga tindera, dyanitor, at habal-habal drayber dahil sila ang isa sa mga instrumento upang mairaos ang pagiging MSUan.


PAGIGING 'HUMAN'

Sa huli, hinamon ni Jethro ang kapwa iskolar ng bayan na aalahanin, isa-isip, at isa-puso ang tunay na kahulugan ng pagiging MSUan.


“We might have forgotten who Jose Rizal’s first girlfriend was or we might have forgotten basic calculus, but I hope that we will always remember to be human whose hearts are for humanity,” pahayag ni Jethro.


Suot-suot ang kulay sotra na toga, taas-noong nagmartsa ang 2,158 gradweyts ng Mindanao State University - General Santos upang masaksihan ang inaabangang seremonya ng ika-44 na pagtatapos ng taong panuruan.


243 views0 comments

תגובות


bottom of page