top of page
Writer's pictureAlex Tumagantang

MSU-GSC Jeepney Driver nagpalabas ng saloobin hinggil sa Jeepney Phaseout

Updated: Mar 22, 2023


Mariing ipinahayag ng isang tsuper ng dyip ang kaniyang hinanaing hinggil sa panukalang pagphaseout sa non-consolidated jeepneys na lumobo nitong Marso 2023.


Ayon kay Insih Omar, miyembro ng Fatima Transport Cooperative at isa sa mga namamasada ng dyip sa Mindanao State University-General Santos City (MSU-GSC), mabigat at masakit sa kanilang kalooban ang naging kondisyon ng gobyerno sapagkat magkakaroon sila ng karagdagang utang.


"Papalitan yung sasakyan tapos magbibigay yung national government ng subsidy. Napapayag kami, nagconsolidate pero masakit pa rin sa kalooban namin, kasi hamakin mo ‘yan, wala kang utang tapos papautangin ka ng milyon-milyon na kantidad ng sasakyan, napakasakit ‘yun," sambit ni Omar


Ayon pa rito ay karamihan sa kanila ay nagbenta ng ari-arian upang makakuha lamang ng sasakyan ngunit mawawala lamang ito kahit maayos pa.


"Yung iba nagbenta ng mga ari-arian upang makakuha ng sasakyan, ngayon magkakaroon ng desisyon ang gobyerno, bigla na lang papalitan yung sasakyan namin kahit maayos pa,”

dagdag pa nito.


Matatandaang nilinaw ni Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa Senate public services hearing noong Marso 2, ang deadline sa Disyembre taong pangkasalukuyan ay para lamang sa konsolidasyon at hindi ito ang sinasabing phase out.


"Yung in-issue na LTFRB [memorandum circular] 2023-13 pertains to the end of consolidation period, hindi po ito 'yung tinatawag na phase out. It is not," giit nii Pastor.


Ayon pa kay Pastor, maaari pa ring pumasada ang mga traditional jeepney drivers kung consolidated ito.


"Consolidation po, even if you are a traditional jeep so long as you are consolidated tatakbo pa rin po kayo," mungkahi nito.


Pulso ng Masa


Samantala ayon naman kay Jerico Garay, estudyante ng College of Business Administration and Accountancy mula MSU-Gensan at isang komyuter, lubha itong makaaapekto sa mga jeepney komyuters lalong lao na sa mga estudyante at sa kanilang allowance dahil mas nakakamura sila kung dyip ang kanilang sinasakyan kumpara sa tricycle.


"Mas convenient ang jeepney dahil isang babaan lamang ang mangyayari at fixed na ang pamasahe kung kaya mas nakakatipid ako sa pamasahe sa halagang P30 kumpara sa tricycle na 40,” wika ni ni Jerico.

482 views0 comments

Comments


bottom of page