BAGONG KANTINA. Bilang bahagi ng dry run para sa nalalapit na accreditation ng unibersidad ay nagbukas ang cafeteria stalls sa gilid ng lumang gusali ng OSA na kung saan ikinatuwa ito ng mga mag-aaral at mga tindera.
Kuha ni Katrina Elises
“Basta para sa kaayuhan sa mga MSUan, walay problema.”
Ito ang naging wika ng solo parent vendor at kasalukuyang Vice President ng Mindanao State University-General Santos (MSU-Gensan) Vendors’ Association na si Bb. Janet G. Apostol, ukol sa planong pagpapatayo ng University Cafeteria, Abril 3.
Kasalukuyang nakapuwesto sa Gemma East si Bb. Apostol na halos dalawang dekada nang nagtitinda. Ani ng Bb. na sang-ayon ito sa plano ng unibersidad na magtayo ng cafeteria sapagkat ito ay magbubuklod sa lahat ng mga nagtitinda.
“As a single mom, dako jud kaayu ug tabang sa amoa ang akong pag-baligya diri kay maka-sustain jud mi sa among need, and kung magpatayo man ug University Cafeteria — okay lang. Basta para sa kaayuhan sa mga MSUan, walay problema sa amoa. Actually agree man kami tanan if matuloy na. Mas nindot gani na para tanan mi maka-income,” pahayag ng tindera.
Ayon kay Mariya Silva, estudyante mula College of Social Science and Humanities ng MSU-Gensan, na kung matutuloy ang nasabing cafeteria ay maiibsan ang paglalakad ng mga MSUan sa ilalim ng mainit na panahon patungo sa iisang lugar na pagkainan.
Ngayong araw ay nagsagawa ng dry run para sa nalalapit na accreditation ng MSU-Gensan kung saan tinipon ang lahat ng vendors ng pamantasan bilang isa sa mga kinakailangan upang maisakatuparan ang naturang plano.
Comments