top of page

MSU-Gensan pilak sa Nat’l Campus Journ Convention ‘23


Ibinida ni Bb. Aubrey Maye Arrieta, mag-aaral mula Mindanao State University-General Santos City at mamamahayag mula Bagwis, opisyal na pamahayagan ng mag-aaral sa unibersidad, ang kaniyang talino at husay sa pagsulat ng Editoryal dahilan upang maiuwi ang ikalawang puwesto sa kakatapos lang na Campus Journalism Convention noong ika-28 hanggang ika-30 ng Abril.


Ani ni Arrieta na isang karangalan ang mapabilang sa isang prestihiyosong journalism convention.

“Very nostalgic. I have not been into journalism competition since my last 2019 NSPC journey. But more than the tilt, it was great opportunity to be part of this convention. I am happy I got to hear and learned lessons from the esteemed speakers like Atty. Chel Diokno, Ms. Kara David, Prof. Abner Mercado, and Joe Torres,” mungkahi nito.

Ang Campus Journalism Convention 2023 ay inisiyatibo ng Transforming Advocates and Champions Inc. (TRAC), sa pangunguna ni Prof. Marlon O. Maglipas, founder at chairman ng naturang grupo.


Layunin nito na mas hubugin ang kakayahan ng mga batang mamamahayag, at bilang kampeon at tagapagtaguyod ng katotohanan, maging responsable at patuloy na makisangkot, makialam, at maging alerto ng may batid sa mga nangyayari sa lipunan.


Sa kabilang dako, pasok din sa listahan ng mga nagwagi na sina Bb. Jomica Suga Culala mula Pateros Technological College at si Jyannah Neliza M. Guillo ng Universidad De Zamboanga na nakuha ang ginto.


Mensahe ng mga batikang personalidad


Sa birtwal na pampinid na palatuntunan ay naimbitahan bilang pangunahing tagapagsalita si Atty. Chel Diokno, isang guro at Human Rights Advocate, kung saan sa kaniyang mensahe ay binigyang diin ni Diokno ang kahalagahan ng campus journalism sa henerasyon ngayon ito ay kaugnay sa tema ng taunang Campus Journalism Convention na “Forging A Just and Humane Society through Campus Journalism”.


Dumalo rin sa naturang porum sina Bb. Kara Patria David-Cancio at Jeng Castañeda na parehong bitiran sa larangan ng pamamahayag, at Prof. Abner Mercado, isang Filipino journalist at documentarist.


Mensahe ng batang dyorno


Isiniwalat ni James Roy Dusaban mula Capiz ang kaniyang natutuhan sa naturang aktibidad, na aniya, ang pagiging isang mamahayag ay hindi isang prebilihiyo, bagkus ito’y isang responsibilidad o gampanin na isiwalat kung ano ang tunay at nararapat.

“As a campus journalist, it is an honor and privilege to represent my school, Capiz State University. Being a campus journo, it's not only the title that matters— but also it is the responsibilities that prevailed, to serve my fellow students by delivering accurate and inspiring stories that could help motivate them,” pahayag ng mamamahayag.
126 views0 comments

Comentários


bottom of page