top of page
Writer's pictureLynxter Gybriel Leaño

Match your actions with goals - Engr. Pajarillo




"You have to work for it. Whether you aim to pass or even top the board exam, you absolutely have to match your actions with your goals."


Hindi naging madali para kay Engr. Laurence Lee Pajarillo na makuha ang iskor na 93.35% at iukit ang sarili sa ikalimang puwesto ng February 2023 Mechanical Engineers Licensure Examination kaya naman bilin niya sa mga sasalang sa board exam na dapat tapatan ang mga layunin sa buhay nang tamang isagagawang kilos para sa magandang kinabukasan.


“I couldn’t believe it at first. After taking the board exam, I was very disappointed with myself. I have wanted to top the board examinations for so long and I felt like I did not perform well during the examination,” giit pa ni Engr. Pajarillo matapos makita ang kanyang pangalan sa hanay ng topnotcher.


Dagdag pa niyang talagang nasorpresa siya sa resulta dahil hindi niya inaasahang ang kanyang iskor ay makatutuntong sa ikalimang puwesto kaya sulit kung maituturing ang kanyang mga sakripisyong napagdaanan.


Isa si Engr. Pajarillo sa mga produkto ng Mindanao State University - General Santos City nang grumadweyt siya noong Hulyo 14, 2022 bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering.


Sakripisyong Paghahanda


Agad na sumalang sa pagrerebyu ang binata pagkatapos nitong grumadweyt upang ihanda ang sarili sa naturang eksaminasyon na kung saan pumunta pa siya sa Cebu at iginugol lamang ang sarili sa pag-aaral sa loob ng anim na buwan.

Naging simple ngunit may disiplina ang kanyang pagrerebyu dahil ayon sa kanyang interbyu sa Bombo Radyo Koronadal, naglalaan siya ng sapat na oras sa pag-aaral na kung saan sa umaga ay may “quota” siyang sinusunod sa pagrerebyu habang sa hapon ay pupunta siya sa review center at sa gabi naman ay pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang natutuhan sa review center.


“I gave it my all. I disciplined myself to follow my own schedule, while also giving myself time to rest and sleep 6 to 8 hours daily, 5 hours in extremely rare cases,” diin pa niya.


Isa rin sa kanyang ginawa at magiging payo sa mga sasalang sa board exam ay sa oras ng pag-aaral dapat walain ang lahat ng mga dahilang magpapagulo sa isipan.


“I throw my phone onto my bed to avoid getting distracted while studying. I also suggest designating a specific area or a table that is ONLY for studying. Do not eat, use your phone, or rest in that area or table,” bilin pa niya sa naging paraan upang maiwasan ang prokrastinasyon.


Kumakain na lang din siya sa sahig dahil iisa lamang ang kanyang lamesa sa tinitirhang boarding house dahil ang lamesang iyon ay ginagamit lamang niya sa pagrerebyu kaya parang nahihiwalay sa kanyang paningin ang espasyong iyon na nanghihikayat sa kanyang mag-aral.


Sa ganitong paraan, naipapakita ni Engr. Pajarillo ang paggawa ng mga aksyon kalakip ang layunin upang mas maging progresibo ang paghahanda para sa board exam.


"During the board exam, I told myself that I had no more preparations to make since I already gave my all since college and the review period,” pahayag ng inhinyero.


Pagkatapos ng board exam, sabi niyang wala na siyang magagawa pa kundi manalangin na lamang at umasa sa magandang resulta.



Balakid sa Pagrerebyu


“Continuously studying for six months straight is easier said than done, especially when studying with the goal to top the board examinations,” ani pa niya.


Ngunit, inamin niyang maituturing na malaking hamon habang siya ay nagrerebyu ay ang mental fatigue at stress na nagresulta sa prokrastinasyon, pagdududa sa sarili, at kawalan ng motibasyon.


“There were times I had to force myself to study despite being sick or extremely mentally exhausted. I’m happy all of my hardships paid off,” kontentong pahayag ni Engr. Pajarillo.



Dahil dito, abot-langit ang kanyang pasasalamat nang maipasa at maging topnotcher sa board exam sapagkat napalitan ang kanyang mga paghihirap ng tagumpay.


“I wanted this so much. I worked and sacrificed for it. Thank God, I got what I strived for.”


Samantala, sa kabuuang 32 na bilang na sumalang sa eksaminasyon, 25 sa kanila ang ganap ng inhinyero upang matamo ang 78.13% passing rate ng pamantasan.

289 views0 comments

Comments


bottom of page