top of page
Writer's pictureLynxter Gybriel Leaño

Mahigit 6k mag-aaral sumalang sa MSU SASE 2023 sa Gensan campus


PARA SA PANGARAP. Higit 6,000 mag-aaral ang sumalang sa MSU-SASE ngayong taon para sa pangarap na makapasok at makapag-aral sa Pamantasang Mindanao.


Magkahalong kaba at saya ang naging emosyon ng mga estudyanteng sumalang sa taunang Mindanao State University – System Admission and Scholarship Examination (MSU-SASE) na magsisilbing isang paraan upang makapasok sa isa sa mga prestihiyosong pamantasan sa Pilipinas, Enero 15.


Mula sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng Rehiyon Dose, dumayo pa sa kampus ng MSU-Gensan ang mahigit 6,000 na mga estudyante upang sumailalim sa nasabing pagsusulit. Kaya bakas sa mga mukha ng “SASE takers” pagkatapos ng eksaminasyon ang pag-asang makapasa at makapag-aral sa unibersidad dahil sa kalidad nitong sistema ng edukasyon. “Kung diri ko mu-eskwela [MSU], nindot jud akong background ana kay ilaha jung gina-polish imohang knowledge about something. Tapos makaproduce sila ug mga high-educating students,” sabi pa ni G. Justine Dijan, mag-aaral mula Glan, Sarangani Province.


Ibinahagi rin niya ang kanyang naging preparasyon para sa pagsusulit na ito na kung saan may naririnig siyang mahirap daw ang SASE kaya maigi siyang nag-aral at naghanap ng mga reviewing materials upang maging handa ang kanyang sarili. “Pag-abot namo sa exam, well, okay lang man ang exam. Makaya rajud ug answer. Pero, although makaya siyag answer, ang dili lang makaya is ang mag-apas sa oras. Murag mas mapressure ka sa oras nga gihatag,” komento pa ni G. Dijan sa kanyang karanasan sa SASE.


Samantala, iginiit naman ni G. Sean Brix Sopeña mula sa New Society National High School na inaasahan din niyang mahirap ang mga tanong sa SASE ngunit kinaya nila itong sagutin dahil sa ilang buwan niyang paghahanda. “I chose MSU na magcollege kay mao ni ang pinaka-nice na university ug pinaka-diverse na university na muhatag ug good opportunities sa mga graduates,” diin pa ni G. Sopeña sa kagustuhang makapasa sa SASE.


Sa kasalukuyan, wala pang impormasyon kung kailan lalabas ang resulta ng mga nakapasa sa SASE at pinayuhan ang lahat ng test-takers na maging positibo sa sarli na makapasa sa naturang eksaminasyon.



313 views0 comments

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.
bottom of page