top of page
Writer's pictureMark Pecolados Negro

Macaya nagbigay inspirasyon sa 2nd sem planning; kahalagahan ng SOGIESC tinalakay


DAGITAB NG ADBOKASIYA. Binigyang-diin ni SSC Senator Gellie Davalos ang kahalagan ng SOGIESC sa ginanap na pagpupulong.


Matagumpay na idinaos ng Supreme Student Council (SSC) ng Mindanao State University-General Santos City (MSU-GSC) ang 2nd Semestral Planning na may layong talakayin ang samu’t saring inisyatibo at plano ng mga lider-estudyante bilang paghahanda para sa muling pagbubukas ng klase, Regional Science Research Center, Pebrero 9.

Hinikayat ni G. John Michael Macaya, Pangulo ng SSC, ang lahat ng dumalo na kahit pa nasa ‘adjustment period’ ang mga mag-aaral dulot ng pandemya ay huwag sumuko at patuloy na magsikap. Ani nito na walang imposible basta ay maniwala sa sariling kakayahan.


“As your SSC President, coming from the pandemic and online classes we need to adjust our phase to our academic struggles along with our extracurricular activities because some professors are different when they are in online classes and in-person setting,” saad ni Macaya.


“Maniwala, Magsumikap at Manalig; lahat ng bagay ay kaya nating lagpasan,” mungkahi pa nito sabay bigyang-diin na ang kinabukasan ay nasa kamay ng tao..


Ang naturang diskusyon ay binigyang-punto ng mga opisyales ang planong pag-ratify ng 2016 Constitution and By-Laws, gayundin ang mga programang nakaangkla sa pagpapaunlad ng komunidad at kahalagahan ng HIV-AID awareness.

Pagtalakay sa SOGIESC

Napagtuunan din nila ng pansin ang pagbibigay-halaga sa kamalayan ng bawat isa patungkol sa usapin ng Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression and Sex Characteristics o (SOGIESC), kung saan iminungkahi ni Hon. Gellie Rose Davalos, SSC Senator, ang paggawa ng handbook na naglalaman ng mga impormasyon na makatutulong upang mas lubusang maunawaan ng mga iskolar ng bayan ang kahalagahan nito.


Ayon din sa Senador na mahalaga ang SOGIESC sa paghubog ng kaalaman ng MSUans dahil nagiging daan ito sa pagtanggap at pag-intindi sa mga miyembro ng LGBTQIA+ na komunidad sa universidad at layon din nitong labanan ang diskriminasyon.

"SOGIESC are extremely important in shaping MSUans' consciousness for three key reasons. It promotes acceptance and understanding, combats discrimination, fosters empathy, and encourages empowerment. It promotes acceptance and understanding because young people are still forming their beliefs and attitudes about the world and are at a critical stage in their development," makabuluhang mungkahi nito.


135 views0 comments

Comments


bottom of page