top of page

Grand Iftar, Islamic Symposium ikinasa sa MSU-GenSan bilang pagbubuklod sa gintong buwan ng Ramadan

Writer: Bagwis MsuBagwis Msu

ni John Paul Siapel, Dave Modina


Naging hudyat para sa mga estudyanteng Muslim ng MSU-GenSan ang pagbubuklod sa gintong buwan ng Ramadan matapos isinagawa ang Grand Iftar at Islamic Symposium upang ipagdiwang ang pagtatapos ng pag-aayuno sa buong maghapon, Marso 19.


Kasabay ng temang “Faithful Gatherings: Deepening Connections through Iftar,” ikinasa ng MSU-GSC Supreme Student Council (SSC), kaagapay ang Muslim Students Association (MUSA), at iba pang mga organisasyon sa loob ng unibersidad ang isang Islamic Symposium upang talakayin ang iba’t ibang kasanayang ginagawa sa gintong buwan ng paniniwalang Islam.


Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita sa Islamic Symposium ay sina Shaykh Abdulkhaliq Abtahi at Shaykh Abdullah Amiril, na nagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin at ang mga nakasaad sa Qur’an.


© Katrina Elises


Sa lente ng tagapagtaguyod ng programa


Ayon kay Hon. Almariz T. Hassan, SSC Senator sa ilalim ng Committee of Sports, Literary and Cultural Affairs, at isa sa mga bumubuo ng inisyatibong ito, naging madali ang pagsasagawa ng Grand Iftar at Islamic Symposium dahil na rin sa tulong ng MUSA.


“For the Grand Iftar, we just prepared for the food, of course, and for the Islamic Symposium, nag-look po kami ng mga speakers, of course,” saad niya.


Ninanais ni Hassan ang pagkakaroon ng maraming kalahok, at kanyang kinilala ang kahalagahan ng mga kalangbahala upang maitaguyod ang nasabing inisiyatiba. 


“Well actually, as proposed, 500 students lang po talaga yun. But yes, fortunately, the colleges and other sponsors, nag-fledged po sila and nag-give ng sponsorship. That's why we came up with about 700 plus students po,” giit ni Hassan.


Sinabi rin niya ang kinakailangang gampanin ng bawat kalangbahala, kabilang na ang pagsasaayos ng kasulatan ng kasunduan na nagbibigay linaw na ang kanilang tulong ay maipababatid sa bawat nananampalataya.


“For example, aside from the monetary sponsorship, ang only role nila dito is to help, to assist, and like that. And we don't opt na magbigay pa ng speech because the very goal of this is to give learning to the whole student, not just most of the students, but it's open for all naman po,” diin pa niya.


Ayon kay Hassan, mahigit isang buwan ang paghahanda ang kanilang ginawa upang maitaguyod ng maayos ang programa, at dahil sa aktibong preparasyon at suporta ni Pangulong JanJan Salvan ng MUSA naging simbolo ito ng pagkakaisa at pagtutulungan.


“I believe na ang manpower po ng both organizations, which are the Musa and the SSC, are well catered to. For example, sa Musa, parang almost a month namin na ginaprepare ni President po, because it's something na, first, I think it's something na very memorable po talaga ito na mangyari in a university and that's why I think hindi po talaga, wala po talaga kaming nakitang major problem sa programa,”  ibinunyag niya.


Limitadong bilang ng Partisipante


Nilinaw naman ni Hassan ang alegasyong limitado ang bilang ng mga estudyanteng makakalahok sa naturang programa.


“Ang nangyari kasi is, parang gi-maximize ko lahat, nag-usap kami ng mga president, mag-maximize kami lahat ng mga, ng lahat na, kung ilan ang number ng IIAIS, ibigay sa kanila lahat because, di ba, syempre muslim sila lahat,” paglilinaw niya.


Bukod doon, sinabi ni Hassan na bukas ang programa sa lahat ng mga MSuans na kasapi ng paniniwalang Islam, at inaanyayahan silang makiisa at makisama sa pagtitipon.


“And we're open naman po. And of course, siyempre parang yung control lang ang isip natin doon ba para mag dagdag, pero of course, with the help of the sponsors, nag-add po tayo ng mga ano, that's why we're open po talaga,” dagdag niya.


Sabay-sabay na Paglulunsad


Sa panayam pa rin kay Hassan, kaniyang nabanggit ang isang pagbabago ng implementasyon ng naturang inisyatiba ngayon kumpara noong nakaraang taon.


“I think the major change lang po talaga is sinabay namin si Grand Iftar and si Islamic Symposium. As per last year, I believe na iniba nila. Like, today is a present conversation and then the next day is Grand Iftar na naman. And right now, the admin has decided na i-collab siya,” pagtukoy niya.


Gayunpaman, binigyang diin ni Hassan ang ginagampanang papel ng Ramadan sa paniniwalang Islam, kabilang na ang pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan kay Allah at ang pag-iisip ng mga bagay na mahalaga sa buhay. 


“Muslim believe that this kind of segment nagbigay talaga ng rewards along with their fast, not just fasting, nagbigay din ang mga learnings, yung additional learnings here is nagbigay din ng rewards sa kanila other than the fast,” paliwanag niya.


Nagpapasalamat si Hassan sa mga nakilahok at tumulong sa Grand Iftar at Islamic Symposium, at pinapabatid niya ang kagalakan bilang tagapangasiwa ng aktibidad.


Pagkatapos ng panalangin, sabay-sabay na kumain ang mga lumahok sa naturang aktibidad, patunay na ang pag-aayuno ay nagtapos na at nagsisimula na ang pagsapit ng gabi.


 
 
 

Comments


bottom of page