Nagsagawa ng symposium ang OSA ng unibersidad ukol sa mga Batas Republika upang magdagdag ang kamalayan ng MSUans.
Kuha ni Katrina Elises
Nagsagawa ang Office of the Student Affairs and Services ng isang symposium sa pangunguna ni OIC Director Rhumer Lañojan patungkol sa mga batas na naglalayong magbigay kamalayan sa mga mag-aaral bilang tugon sa napapanahong isyu ng lipunan, Abril 26.
Inilahad ni Atty. Hanna-Tunisa F. Usman, Legal Officer ng MSU-Gensan, ang mga probisyon na nagbibigay proteksiyon at mga posibleng parusa sa paglabag sa Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act. at Republic Act No. 113131 na kilala sa tawag na “Safe Space Act/Anti-Bastos Law”.
Nilinaw ng abogado na kahit may karapatan ang bawat isa sa freedom of expression ay tila hindi pa rin ito isang lisensya o sapat na dahilan upang tapakan ang karapatan ng ibang tao.
“Sa mga Gen Z ngayon na mahilig mag-social media, tandaan ninyo na kahit pa may utang ‘yan sila o may nagawang kasalanan, still hindi mo pa rin pwedeng i-post sa FB (Facebbok) o ano mang platform because that is a form of Cyber Libel at pwedeng-pwede kayong kasuhan,” mariing pahayag ni Atty. Usman.
Samantala, binigyan-diin din ang usapin ng Mental Health sa ilalim ng Republic Act No. 11036 o ang Philippine Mental Health Law sa pangunguna ni Bb. Hania-Persia F. Usman, kasalukuyang Guidance Coordinator ng pamantasan, kung saan ay inilahad ang mga karapatan ng may mental na karamdaman laban sa diskriminasyon, stigmatization, degrading at cruel treatment na walang sapat na ebidensiya, at marami pang iba. Layunin din ng naturang batas na e-improve at mas magkaroon ng mga mental health services.
Malaki ang pasasalamat ng mag-aaral na si Ashley Abarico mula College of Fisheries, dahil sa nasabing aktibidad ay mas nadagdagan ang kaniyang kaalaman lalong-lalo na sa pag-alam ng kaniyang mga karapatan.
Comments