top of page

Back-to-back na kampeonato ng ASTEEGs sa Intramurals 2022 tuluyang nasungkit


#I2TULOY NA NAGING #NAI2LOY. Humiyaw sa kasiyahan ang College of Engineering matapos idineklarang kampeon sa 2022 Intramurals ng Mindanao State University-General Santos City.


Tuluyang dinomina ng College of Engineering o ASTEEGs ang 2022 Mindanao State University-General Santos City (MSU-GSC) Intramurals nang ideklara silang kampeon noong Nobyembre 25 sa University Gymnasium dahilan upang masungkit ang back-to-back na pagkapanalo at ang ikalabindalawang titulo nito sa naturang paligsahan.

Base sa huli at pinal na tala ng Tabulating and Recording Committee, nakapag-ipon ng 819.25 na puntos ang ASTEEGs upang maipako ang COE sa unang puwesto na sinundan ng Mentors na may kabuuang puntos na 702.00 at pumangatlo naman ang Vanguards na may 669.50 puntos.


Nakuha ng Reapers ang 3rd runner up na may nalikom na 608.25 puntos, 4th runner up ang Legends na mayroong 556.50 puntos, nasa 5th runner up ang Tycoons dahil sa 411.50 puntos. Nasungkit ng Wizards ang 6th runner up na may 410.50 puntos, Anglers sa 7th runner up na nakaipon ng 397.00 puntos na sinundan ng Masters sa 8th runner up – 225.50 puntos habang 9th at 10th runner up naman ang mga Jurists at Medicine dahil sa mga puntos na 96.00 at 37.00.


“The value of friendship, learning, our camaraderie and sportsmanship is actually manifested in this Intramurals 2022 because this is an injury-free intramurals,” giit pa ni Dr. Mishell Lawas, Vice Chancellor for Academic Affairs, sa kanyang mensahe sa pangwakas na palatuntunan ng naturang aktibidad.


Nagpasalamat din si Dr. Lawas sa mga Dean, chairperson, at personnel para sa kanilang naging trabaho dahilan upang maging matagumpay ang Intramurals.


Samantala, hindi maitago ang kasiyahan ni Gvy Barroga, 1st year Electrical Engineering nang maranasan niya ang MSU-GSC Intramurals sa unang pagkakataon dahil tunay na walang kapantay ang kanyang naging karanasan sa loob ng isang linggong aktibidad.


“You can see students having fun while representing their colleges which is the real essence of having this Intramurals. Aside from being competitive, imagine there are different colleges competing and yet you can still see students from other colleges cheering for other colleges who's supposed to be their opponent,” dagdag pa ni G. Barroga.



290 views0 comments

Commentaires


bottom of page