Nabalot ng malakas na hiyawan at dumagundong na paghampas ng kanilang mga naglalakihang tambol ang loob ng University gymnasium ng Mindanao State University-General Santos City (MSU-GSC) mula sa iba't-ibang kolehiyo ng unibersidad upang ipahayag ang kani-kanilang mga suporta sa mga kalahok ng kompetisyon sa pagsasayaw na kung saan naiuwi ng College of Engineering ang kampyeonato sa Retro Dance Competition, Oktubre 11.
Muling nasungkit ng College of Engineering (COE) ang unang pwesto sa Retro Dance Competition nang manalo sila noong taong 2022.
© John Ross Sambanan
Ayon kay Edrian Jame Pesario, estudyante ng College of Engineering, masusing paghahanda sa loob ng dalawang buwan ang kanilang alas upang makuha ang pagiging kampeon.
“We did an extensive training, as if we were athletes competing for a game, we worked to perfect our choreography, and especially our character. So many things happened in our preparation, adjustments with regards sa choreo pati na rin sa props namin,” saad ni Pesario.
Dagdag pa niya, hindi maiiwasan ang pagkaroon ng tensyon sa kanilang grupo tulad ng ibang pangkat.
“To me the hardest part was indeed making everyone united, and aim for the same goal of being a champion,” ani niya.
Muling pagkapanalo
Matatandaan noong taong 2022, itinanghal na kampeon sa naturang kompetisyon ang COE ngunit agad naman naagaw sa sumunod na taon.
Ayon pa rin kay Pesario, labis ang tuwa sa kanilang mga mukha nang muli nilang nakamit ang unang pwesto ngayong taon.
“It felt so satisfying, after being champions last 2022, and falling below the podium finish last year, as one of the head/choreographer of last year’s piece, it felt so bittersweet that we finally won this year, and avenge our loss that shattered our hearts,” saad niya.
Top 3
Sa ikalawang pagkakataon, nasungkit ng College of Natural Sciences and Mathematics (CNSM) ang ikalawang puwesto.
Nasa ikatlong pwesto naman ang College of Agriculture (COA) na sinundan ng College of Education (COED), College of Business Administration and Accountancy (CBAA), College of Social Sciences and Humanities (CSSH), College of Fisheries (COF), at Senior High School (SHS) Department.
Comments