top of page
Writer's pictureMark Pecolados Negro

7 Colleges at SHS, nagpakitang gilas sa Mass Demo Competition


INDAK NG TAGUMPAY. Bigay-todo ang mga mananayaw mula College Engineering sa ginanap na patimpalak sa Mass Dance kaugnay ng selebrasyon ng Intramurals 2022.


Tila langit ay nakisayaw at humiyaw nang ipamalas ng walong kolehiyo mula Mindanao State University- General Santos City (MSU-GSC) ang kanilang entry sa ginanap na Mass Demonstration Competition, Nobyembre 20, University Quadrangle.


Dumagundong ang buong Pamantasan nang ipamalas ng mga Iskolar ng Bayan ang kanilang angking galing sa pagsayaw at kinulayan ang buong kapaligiran dahil sa kanilang makukulay na kasuotan sa ginanap na Mass Demo Competition, Intramurals 2022. Ang naturang kompetisiyon ay dinaluhan ng Wizards ng College of Social Sciences and Mathematics, Vanguards ng College of Humanities and Social Sciences, Asteegs ng College of Engineering, Anglers ng College of Fisheries, Tycoons ng College of Business Administration and Accountancy, Reapers ng College of Agriculture, Mentors ng College of Education, at Siklab ng Senior High School Department.


Sa gitna ng pandemyang nararanasan at buhol-buhol na iskedyul sa paaralan ay hindi nagpatinag ang mga MSUan na ipakita ang galing na hinubog ng mga trahedyang nararanasan at pandemya sa kasalukuyan.


Sa huli ay nakamit ng College of Engineering ang kampeonato, samantalang nasungkit naman Senior High School Department ang ikalawang puwesto na sinundan ng College of Education.


631 views0 comments

コメント


bottom of page