top of page
Writer's pictureMark Pecolados Negro

6 kolehiyo, SHS ibinida ang mga pelikula kontra COVID-19

Updated: Feb 24, 2023


SINE NG PAG-ASA. Sama-samang nanood ang mga mag-aaral ng MSU-Gensan ng mga pelikulang ibinida ang mga kuwentong may layong manghikayat na magpabakuna ang mamamayan.


Nakaaaliw. Nakamamangha. Nakatitindig-balahibo.


Ilan lamang iyan sa mga naramdamang emosyon ng MSUans sa bawat palabas na ibinida mula sa anim na kolehiyo at senior high school sa katatapos na film viewing ng Project VacSINEaction bilang proyekto ng Supreme Student Council (SSC), Pebrero 22.


Naging totoong sinehan ang loob ng Mindanao State University-General Santos City Gymnasium dahil sa malaking screen at malalakas na tunog na mas lalong nagpaakit sa mga manonood upang ibahagi ang layunin ng bawat palabas—ang magpabakuna kontra COVID-19.


“Through these films, we can encourage our parents, circle of friends, those individuals belonged to vulnerable communities to get themselves vaccinated. This project has the purpose of sinehan habang nagbabakunahan,” pahayag pa ni Hon. Jaysan Phillip Castro.


Umani naman ng maraming palakpak at sigawan ang pelikula mula sa College of Natural Sciences and Mathematics na may titulong “When the Crickets Stop Singing” dahil sa mga eksenang nakatatakot. Nagpalungkot naman sa mga manonood ang “Sa Bingit ng Hirati” mula College of Social Science and Humanities at “Abi” ng College of Agriculture.


Nagpahanga rin sa mga manonood ang mga pelikulang “Alintanang Lagitik” ng Senior High School, “Eroplanong Papel” ng College of Engineering, “Pagmata” mula sa College of Education at "Tamgule" mula College of Business Administration and Accountancy.


“I truly believed how important it is to take care of yourself from the virus, especially when the pandemic was at its peak— but most importantly, I love how the films shed light about the different stories of the people. The struggles, the tragic stories of families, the sacrifices of our frontliners, and so much more. The pandemic impacted everyone in many aspects and I’m glad how it reminded me and all of the viewers of how important it is to show care and empathy to everybody,” giit pa ni Zyrex Kier Cortez, mula sa CSSH.


Matatandaang bago bumuo ng sampung minutong palabas ang mga kalahok, sumabak muna sila sa filmmaking workshop noong Enero 14 upang mabigyan ng ideya at mahasa ang kanilang paggawa ng pelikula na nakaayon sa konseptong pagbabakuna kontra COVID-19.


Nang mapili ang SSC sa 10 na youth-partner grantees ng KaBayanihan Youth Challenge 2022 na may temang "Developing Talents; Promoting Awareness", mismong ang Project VacSINEation ang kanilang naging proyekto upang ipalaganap ang kahalagahan ng pagbabakuna para na rin maitaas ang porsiyento ng “wall of immunity”.


Magpapatuloy ang misyon ng SSC sa panghihikayat ng pagbabakuna ngayong Pebrero 23-26 na kung saan idadaos ang Mega Vaccination Program sa MSU-GSC Gymnasium at Veranza habang sa Marso 3 naman ang Culmination Day.

101 views0 comments

Comments


bottom of page