HIMNO ng TAGUMPAY. Bakas ang determinasyon at pagpupugay ng MSUans sa unibersidad habang kinakanta ang Himno ng Pamantasan. Kuha ni Katrina Elises.
Gumuhit ng kasaysayan ang araw na ito matapos matagumpay na nairaos ang kauna-unahang National Service Training Program (NSTP) graduation ceremony sa university gymnasium habang nagbilin naman ng isang hamon para sa mga MSUan si Acting Chancellor JD Usman Aragasi sa pagiging isang responsableng kabataan sa lipunan, Hunyo 29.
Muling nagtipon ang mga mag-aaral ng NSTP na kinapapalooban ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC), Civil Service Training (CWTS), at Literacy Training Service (LTS), upang masaksihan ang makasaysayang seremonya bilang tanda ng kanilang kontribusyong ginawa para sa kapwa at kalikasan sa loob ng isang taon sa ilalim ng naturang programa.
Samantala, kinilala rin ng pamantasan ang mga proyektong isinagawa ng mga mag-aaral sa loob ng dalawang semestre, kagaya ng Project Tumbler at Padula ng College of Education, Civil Training: Fostering Innovational Development for Environmental Sustainability, Urban Gardening, Aquaponics, and Hydroponics Initiatives ng College of Natural Sciences and Mathematics, at marami pang iba.
Maging ang mga natatanging lider-estudyante na may malaking kontribusyon ay pinarangalan din.
Ang naturang pagdiriwang ay dinaluhan nina MSU-GSC Acting Chancellor, Usman D. Aragasi, JD, MPA, Vice Chancellor for Avademic Affairs, Dr. Mishell D. Lawas, D Eng’ g, University Secretary, Prof. Norman Ralph Isla, College Deans, University Directors, at NSTP advisers and coordinators.
Hamon ni Chancy Aragasi sa mga iskolar
Binigyang-diin ni Aragasi ang kahalagahan ng kapayapaan at mangarap hindi lamang para sa sarili — pati na rin sa nakararami. Iginiit din niya na ang pagiging isang iskolar ng bayan ay hindi kailanman naging isang prebilihiyo, bagkus isang responsibilidad na may tungkulin sa bayan.
“And for the university, you're taught to dream for others, that your dream, as iskolar ng bayan is not a privilege but a responsibility — so you should set dreams for the nation,” pahayag ni Aragasi.
“Be the beautiful gems that this country needs. I hope and I pray that you will be a good citizen of this nation after being trained in the Nation Service Training Program,” dagdag pa niya.
Comments